Pagpapahalaga sa mga Pangyayari sa iba't-ibang Yugto ng ng Pag-unlad ng Sinaunang Tao
Iba't-Ibang Yugto ng Pag-unlad ng Sinaunang Tao SINAUNANG PANAHON Ang sinaunang panahon ng bato ay nahahati sa dalawang panahon: Ang panahong PALEOLITIKO o tinatawag na panahon ng lumang bato at ang panahong NEOLITIKO o tinatawag na Bagong Bato . Ang panahong Paleolitiko ang pinakasinaunang panahon. Ang salitang " PALEOLITIC" ay nagsimula sa salitang Griyego na "palaios" nangangahulugang "luma" at "lithos" o "bato". PANAHONG PALEOLITIKO Ang mga tao sa Panahong Paleolitiko ay gumagamit ng mga kagamitang gawa sa matatalim na bato at graba. Ang pinakamahalagang tuklas ng tao sa panahong ito ay ang paggamit ng " APOY". Natuklasan din nila ang kahalagahan ng paggamit ng apoy sa pagluluto at pag-iimbak ng mga pagkain. Tatlong Mahahalagang Bagay na ipinagkaiba nila sa karaniwang mga hayop na kasabay nilang nabuhay noong panaho