Pagpapahalaga sa mga Pangyayari sa iba't-ibang Yugto ng ng Pag-unlad ng Sinaunang Tao
Iba't-Ibang Yugto ng Pag-unlad ng Sinaunang Tao
SINAUNANG PANAHON
Ang sinaunang panahon ng bato ay nahahati sa dalawang panahon: Ang panahong PALEOLITIKO o tinatawag na panahon ng lumang bato at ang panahong NEOLITIKO o tinatawag na Bagong Bato.
Ang panahong Paleolitiko ang pinakasinaunang panahon.
Ang salitang "PALEOLITIC" ay nagsimula sa salitang Griyego na "palaios" nangangahulugang "luma" at "lithos" o "bato".
PANAHONG PALEOLITIKO
Ang mga tao sa Panahong Paleolitiko ay gumagamit ng mga kagamitang gawa sa matatalim na bato at graba.
Ang pinakamahalagang tuklas ng tao sa panahong ito ay ang paggamit ng "APOY". Natuklasan din nila ang kahalagahan ng paggamit ng apoy sa pagluluto at pag-iimbak ng mga pagkain.
Tatlong Mahahalagang Bagay na ipinagkaiba nila sa karaniwang mga hayop na kasabay nilang nabuhay noong panahong iyon.
1.) Ginagamit na ng mga taong ito ang kanilang mga kamay bilang panghawak ng mga kagamitan at sandata upang makapangaso at maipagtanggol ang kanilang sarili.
2.) Nakapagsasalita na sila at nakatatanggap ng anumang impormasyon.
3.) Sila ay may higit na malaking utak kasya anumang hayop sa daigdig.
PANAHONG MESOLITIKO
Ang mesolithic o Middle Stone Age ay nasa pagitan ng panahong Paleolitiko at panahong Neolitiko. Ang ilang kagamitan tuklas na panahong ito ay ang mga blade, point, lunate, trapeze, craper, at arrowhead.
Ang mga kagamitan ay may kombinasyon ng kahoy o buto o di kaya'y balat ng hayop, pagpapalayok, at paggawa ng buslo.
Ang pangangaso at pag-iimbak ng mga pagkain tulad ng mga prutas,gulay at iba pa ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa panahong ito.
Sa Panahong Mesolitiko natuklasan ang ritwal ng pagbuburol at paglilibing ng patay ng isang pamilya o kamag-anak na kasapi ng isang pamayanan.
PANAHONG NEOLITIKO
Sa panahong ito, natutuhan na ng mga tao na pakinisin, at patalasin ang kanilang mga kagamitan upang mas maging kapaki-pakinabang sa kanilang pangaraw-araw na pamumuhay.
AGRIKULTURA ang pinakamahalagang tuklas ng tao sa panahong ito. Natutunan ng mga taong magsaka at
mag-alaga ng mga hayop at nagsimula ang kanilang pirmihang paninirahan sa isang lugar.
Lumikha rin sila ng iba pang kagamitan. Natutunan din nila ang paghahabi at paggawa ng kagamitan mula sa luwad at iba pang bagay na kapaki-pakinabang sa kanilang pamumuhay.
Ang relihiyon ay higit din na naging organisado sa panahong ito.
PANAHON NG METAL
Nabuo ang panahong metal dahil na sa patuloy na paglaganap at pagbabago sa lipunan.
Sa paglipas ng panahon, ang mga kagamitang bato ay napalitan ang mga kagamitang metal at kalaunan ay napalitan ng tanso. Natuklasan din nilang higit na matitibay ang mga metal na bakal at hanggang sa kasalukuyan ito ay ginagamit pa rin.
PAGPAPAHALAGA
ANG PAGPAPAHALAGA SA MGA PANAHONG PALEOLITIKO,NEOLITIKO AT PANAHON NG METAL AY ANG PATULOY NA PAG-UNLAD NG MGA SINAUNANG TAO GAMIT ANG KANILANG MGA NATUTUNAN SA MGA PANAHONG YUN NA HANGGANG NGAYON AY GINAGAMIT PA RIN SA KASALUKUYANG PANAHON. PATUNAY RIN NG PAGPAPAHALAGA SA MGA PANAHONG NASABI ANG MGA ARTIFACTS NA NASA MGA MUSEUM NA HINDI GINAGALAW SA KASALUKUYANG PANAHON KUNDI NAGSISILBING MGA INSTRUMENTO AT PATUNAY UPANG MAPAG-ARALAN TUNGKOL SA SINAUNANG PANAHON.